Sunday, November 29, 2009

the morning after

Morning. I opened my eyes and felt like not getting out of bed. I was disoriented.

7:15, according to the clock in front of me. Crap, I’m gonna be late for work.

Force of habit, I looked at my phone to check for messages or phone calls. That was when I saw the date.

Saturday, November 28

Suddenly, two things hit me. First, it was the weekend, and Monday is declared a holiday. I can sleep over.

Second, it is the day after the closing ceremony of cadetship.

Next week, real work begins.


Rewind to six months ago.

Come to think of it, I was also disoriented.

It was the day after the last day at the previous office. I had the worst headache on record. Maybe because of too much crying—I never realized how much crying I can do for a week of saying goodbye to people, things and situations familiar.

I was telling myself then, maybe I should take at least a week off before cadetship started. I should have given time for myself to lie down and stare at ceiling (my favorite form of relaxation) before starting a new chapter in my life. It would have given me time to put things in perspective, to prepare mentally and emotionally to the things ahead, to wean away the separation anxiety.

But then, things have its way of turning out.


Initially, it was unfamiliar. For the first time in my professional life, I was commuting to the southern part of the metro—a part of Manila that I am actively avoiding because of the stress caused by the traffic. Yes, everyone, even a Makati denizen like me detests this part of the city during the weekday.

It was unfamiliar actually dressing up going to work. For the first time in my life, I paid attention to the number of my slacks, dressier tops and closed shoes rather than my casual clothing and open-toed sandals. I actually imagined my jeans weeping as I shoved them to the back of my closet to make room for the new slacks and formal tops. Ditto with my sandals.

It was unfamiliar attending flag ceremonies, so is going home with the sun still up. I was so used to going out of the office with the moon (and the street lights of Ortigas) guiding me, it felt like I was about to burn. It was unfamiliar to not having to worry about press releases, news monitoring and media enquiries, not getting messages late into the evening about something work-related, or not being concerned about economic-related news.

It was unfamiliar having a reliable supply of coffee and biscuits waiting for you whenever you need it. While there were a lot of eating places around the previous office, work usually was hectic enough that you get to eat only when everything is done and/or it felt like your large intestines are eating your small ones. Speaking of the previous office, it was unfamiliar not seeing Korean signboards around the new workplace.

It was unfamiliar not being familiar with a lot of people, with guards and other people calling you “Ma’am”.


But as the same time, there were familiar things.

Familiar was the laughter and the noise. As one batchmate pointed out, this was a laughing batch. It was just like being in Ortigas—everyone had a joke or a funny anecdote to share. And we all love to talk, too much though, that people were commenting not too postively on the noise we are making.

Familiar were the people who were there to help. The Foreign Service Institute, with our dear Mama Mina, our stepmomma Mam Amarie (and her staff) and everyone there at the new office were nice, accommodating and really great, things were made much easy for us.

Familiar were the things that were easily getting used to. The people who you get to kid around and kick back after the session. The eating and the after-work gimik. The people, who as it turns out, shares your interests and views about a lot of things.

Familiar was learning new things everyday. The lectures, workshops and roundtable discussions brought back the times of inter-agency meetings, press conferences, budget hearings (er…) and other events that were, for me, not just for work but also for personal education. The policy papers, promotions plan, projects, performances and other activities were like press releases, news monitoring, hosting gigs and presentations.


It’s really funny how things turned out. It is hard to imagine that this moment would come. As they say, time really flies.

Our band of 31 will be out of the comforts of A520 and sent our separate ways to the offices in the department, to get further training before the so called real world: foreign posting.

While we all wait with bated breath for the final assignment next week, it felt like another adjustment.

But then, as the same batchmate pointed out, being in the foreign service entails a lot of moving around and making adjustments. No time for being disoriented. It is imperative to immediately hit the ground running.

It is something I am telling myself as I take the next day off lying down and staring at the ceiling. Yes, there were tears, but not as much as six months before. Yes, there was a separation anxiety, but the thought of having everyone in the same building (except for those who will be assigned in consular) was comforting. Yes, it would be another adjustment, but the thought that it is training for the next years of being in this job is reality enough.

It is time.

Thursday, March 26, 2009

when it rains, it pours

andaming nangyayari sa akin for the past few months.

una, nakuha ko na yung sulat mula sa DFA (department of foreign affairs). i am now appointed as a FSO (foreign service officer), class IV. nakalakip doon sa sulat ang transmittal letter mula kay ES (executive secretary) Ermita, at ang appointment letter namin na pirmado ni PGMA.

ibig sabihin, naipasa ko ang isa sa pinakamahirap na exam sa sangka-gobyerno. ibig sabihin, i am at the doorstep of my dreams to be a diplomat. ibig sabihin, dininig ni Lord at ni Mama Mary ang mga panalangin ng mga nakapaligid sa akin.

ibig sabihin din, i have to make a choice. i have to choose between following my dreams immediately or staying behind for a year (me deferment option kasi kami na isang tao) and have a long kiss goodbye to the agency that i owe a lot, professionally man o personally.

magiging ingrata ako kung hindi ko isisigaw sa mundo sa dami ng natutunan ko sa ahensyang ito. it has trained me to do something that i didn't study in college. it has made me know and learn things that i couldn't get anywhere. it has made me meet people that i wouldn't be meeting kung hindi dahil sa trabaho ko. most importantly, it has made me believe that there is hope in government, that there are people who can just work hard (walang lagay, walang issue) to make things work better for everyone.

i also met people that i finally am comfortable with, yun bang ka-wavelength mo sa maraming bagay. yung pwede mong kuwentuhan ng kahit ano, at maiintindihan nila yun. yung pwedeng katawanan at katrabaho in equal measure. yung alam mong mamimiss mo.

ngayon pa lang, namimiss ko na ang lahat ng ito...


pangalawa, nakausap ko na kanina yung taga-polsci. its official (well, until i get the letter though): makakagraduate na ko. may MA na ko. i could add to my resume: graduate: MA International Studies.

alam ng marami kung ano ang pinagdaanan ko to get this. blood, sweat, tears (as in literal na tears. ilang beses na akong umiyak para dito!), tulog, money, time, social life, opportunities--yun ang mga ininvest ang sinakripisyo ko para pumasok sa klase, magresearch para sa mga reports at papers, at mag-aral para sa mga exams. nagleave ako para makapag-aral para sa comprehensive exams. limang taon ng buhay ko ang inilaan ko para dito.

kaya nung malaman ko na naipasa ko na din yung part ng compre na nasablay ko when i took it last august, kulang na lang e magpaparty agad ako sa opisina. feeling ko nabingi yung kasama ko sa cubicle ko sa tili ko. buti na lang din, walang tao sa opisina at walang nagmemeeting sa conference room sa tabi, kundi napagalitan ako.

woo-hoo! gragraduate na ko! Thank You, Lord!

Friday, March 6, 2009

ang bagong baby ko

mantakin mo nga naman, nakaka-tatlong buwan na ang 2009. at wala pa akong naisusulat dito for 2009.

oh well, medyo busyness ang simula ng taon. dumating ang trabaho, bisita, mga dapat harapin at asikasuhin. at dahil busyness nga, may mga bagay na dapat kalimutan o kaya bawasan ng onti. tulad ng pagblo-blog.

pero dahil meron na kong laptop (yehey!), sana mas mapadalas sya. ayun, bago sa buhay ko. kapag nagkaroon ako ng oras, ilalagay ko ang picture nya dito. iniisipan ko pa sya ng pangalan (dahil marami akong kilala na may pangalan ang laptop). torn ako between mokong (kapangalan sya ng stuffed toy ko sa opisina. kaya lang me nagnakaw. iniyakan ko yun, as in!) o joaquin (ewan ko ba, naisip ko lang). pero dahil mahilig akong magbigay ng medyo mabantot na pangalan sa mga stuffed toys ko, baka mokong na lang sya. not unless may maisip ako na mas mabantot. haha!

Tuesday, December 23, 2008

year of the rat

who would have thought the year of the rat will be something to remember?

eto yung naisip ko nung nakita ko na iisang pahina na lang yung nasa desk calendar ko. hindi ko ubos maisip na pwedeng mangyari ang maraming bagay na noong mga nakaraang taon, wala sa hinuha ko na pwedeng mangyari, o kaya kong abutin.

una, ang isang pangarap. matagal ko na syang gustong gawin, pero andaming bagay na nangyayari. maraming readings sa gradschool. mabigat ang trabaho. takot. naghintay pa ako ng isang sign para mag-file ng application. muntikan pa akong hindi umabot sa pagpasa ng requirements. pero pumasa ako sa first part, at naghintay ako kung kelan kukuha ng written exam. nung dumating sya, feeling ko naging persona non grata ako sa opisina dahil mas pinili ko sya kaysa umattend ng christmas party namin.

pero mukhang worth it yun. matapos ang mas matagal na paghihintay, nalaman ko na pumasa ako. kumuha ako ng oral exams. akala ko mas matagal ang paghihintay. who would've expected na makalipas ang halos dalawang linggo, nalaman kong pumasa din ako. psych exam naman. ngayon, hinihintay ko ang resulta.

pangalawa, ang isang pagsubok. alam ko na kailangan ko syang kunin para makuha ko ang degree ko, pero alam din ng lahat kung ano ang mortality rate nito. isang sem ang pinalipas ko para mag-ipon ng lakas. nag-leave ako ng limang linggo sa opisina para paghandaan sya. nagpuyat sa kaka-aral, nagdasal ng sangkaterba, naghanda. naipasa ko yung dalawang exam, sablay sa isa. kukunin ko pa sya sa pebrero. pero sana, yun na yun. maipasa ko na sana, para makuha ko na ang degree ko.

pangatlo, ang mga kawindangan ko. if you get to read this blog closely (at kung isa ka sa mga contacts ko na napapadalhan nito), makikita mo ang iba't-ibang emosyon ng blog na ito. for somebody who has always refused to acknowledge what i feel, this is a big achievement.

feeling ko, iba talaga ang taon na ito. as many would have said, this is one for the books.

Monday, October 13, 2008

burned out

dateline: butuan city. sinusulat ko ito habang nagfifile ng istorya ang mga reporters na kasama ko sa press tour. in short, nagpapakafeeling journalist ako hehe...

it is final. i am burned out. i am tired. i am stressed. i am operating on emergency power.

at nangyayari ang burn out ko na di pa nagsisimula ang aming press tour dito sa, media appreciation seminar pala.

andami nang nangyayari sa buhay ko. andaming hinihintay mangyari. andaming inaasahang pagkakataon. andaming chances that i may have blown. sheesh.

sana naman maging therapeutic sa akin ang isang linggong wala sa opisina for this press tour. pero from the looks of it, mukhang malabong mangyari yun.

hay, kung kelan mo kelangan ng break sa lahat ng bagay, chaka hindi ka pwedeng magswitch-off sa buhay mo...oh well, i asked for it naman. sabi ko, gusto kong maging busy para makalimot sa mga bagay-bagay. di ko naman inakala na talagang busyness naman talaga ako.

hirap talaga ng workaholic. ang hirap makaisip ng paraan para magswitch-off. sa mga kaibigan ko, nananawagan ako. kelangan ko ng opportunity magswitch-off!

Thursday, October 2, 2008

wala akong maisip na title, pero gusto kong mag-blog

kaya magbloblog ako. keri lang naman yun di ba?

from my previous blog entry, parang ambilis ng mga araw.

inaayos ko pa lang yung unang press tour namin sa batanes noon. tapos ngayon, in about a week's time, yung last press tour na namin sa CARAGA (agusan del norte-surigao del norte-siargao island) ang mangyayari. right now, i am confirming participants and finalizing arrangements, at ako ang sasama dun. my turn to be out of the office and into the sunshine of the island further south for a week. kinakabahan na hindi. alam ko astig yung regional office namin, pero kinakabahan pa rin ako sa mga maaaring mangyari. playing secnarios in my head. paranoid, oo, pero ganun yata talaga ako magstrategize. dasal ko, sana mairaos sya ng maayos--wala sanang bagyo o anything that will cancel it, at sana magenjoy ang lahat ng kasama.

during that time of my previous blog entry, kakakuha ko pa lang ng letter from the result i was talking about last entry. iniisip ko pa kung paano ko sasagutan yung CV form at paano ko aayusin yung health certificate na kasama nun. next week, yun na yung exam. that means, during this time next week, tapos na yung second day ng exam. that means, the next day (or should i say, evening), i will be in my filipiniana best (note to self: check on that outfit sa mananahi), to attend the mock diplomatic dinner that is the third exam. dasal ko, sana malampasan ko ito ng maayos, na di ako madapa sa sapatos at damit na suot ko, na sana di ako mabulol o ma-mental block, na sana they will see me worthy to represent the country.

noong sinulat ko yung blog entry na yun, a week just passed from the reason that i went on a five-day leave. numb pa ako ng mga panahong iyon. yun bang ayoko pa syang pag-usapan. pero ngayon, malapit ko nang malaman ang resulta nun (to be exact, at the end of this month). malapit ko nang malaman if i should be looking forward to april of next year, kung makukuha ko yung limang taong pinagpaguran, pinagkastress-an at pinagkagastusan ko. kung magiging masaya ang pasko ko. dasal ko, sana makuha ko sya. sana makamarch na talaga ako sa april. sana mapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko pala, na di dapat ako natakot dito.


tama nga yata yung kaibigan ko. workaholic ako. better yet, ginagamit ko ang trabaho para malimutan ko ang mga dapat kong katakutan, ang mga isyu na ayaw kong harapin. yun bang ginagamit ko ang mga activities ko para makalimutan ko ang kabadtripan ko sa iba pang activities ng buhay ko.

kunyari badtrip ako sa trabaho. noon, binubuhos ko sa gradschool ang inis ko. that is the time that i am at my prime sa paggawa ng mga papers at reports. tapos kapag badtrip ako sa aral, binubuhos ko naman sa trabaho. work galore, astig sa pagpapakabibo sa opisina. at kung badtrip ako sa pareho, sa yoga ko naman binubuhos ang inis ko. nothing beats ujjai breathing and doing asanas kapag gusto mong malimutan ang inis mo sa di mo matapos na press release at sobrang habang readings.

these days, puro sya trabaho. dahil nga nawala ako ng matagal, the office is compensating. sunod-sunod na assignments. arrange dito, consolidate doon, cover diyan, attend ng meeting dito. meron pang kasamang mga pabor at information gathering mula sa mga bossings at ibang staffs. the days have blended into one major work mode.

kaya ang nangyari sa akin, my body is paying the price. i am currently having the worst PMS on record. yun bang sobrang hirap bumangon sa kama dahil sa sobrang sakit ng katawan at ulo. last monday, nagpasundo ako sa tatay ko mula sa trabaho dahil nahilo ako at sumakit ang ulo ko. yun ngang taong naiiwan dito sa office, nagworry for me kasi amputla-putla ko daw. kelangan ko na daw ng break.

ang problema, kapag work mode ako, di ko alam kung paano magswitch off. para akong energizer bunny--i just keep on going and going, until there is no energy to keep going.

paano ba magswitch-off? at sa mga workaholic na tulad ko, gaano ba kahirap magswitch-off?

Wednesday, September 3, 2008

status: waiting, on hold

i'm back.

after about five weeks of being away from several things (work, friends, life in general) because of preparing for something that needs to be done, and actually doing it. a couple of weeks ago, natapos din sya. and now, i await the results. with bated breath. and i'm still praying and hoping that makuha ko sana yung results na gusto ko. yun bang me rason ako to look forward to april this year, dahil finally, matatapos na rin yung limang taong pinagpaguran, pinagkagastusan at pinanggalingan ng maraming stress sa buhay ko. Lord, sana lang talaga, maipasa ko sya.


its been two weeks since.

dahil matagal akong nawala, parang andaming nagbago sa mundo. sa trabaho ko, me bago kaming bossing. meron kaming mga bagong trabaho--o mas mapapalalim (o mapapahirap?) ang mga ginagawa namin dahil nga bago ang bossing namin. nanibago ako sa mga paggawa ng mga bagay na dati'y sanay na ko. feeling ko tuloy, sablay ang ibang trabaho ko for the past two weeks.

sa mga happenings, late na rin ang mga alam ko. though i watch the news (dahil kasama sa paghahanda ko dun sa something that needs to be done ang pagiging updated), maraming bagay ang na-miss ko. di ko alam na magcoconcert pala ang eraserheads. me ilang kaibigan akong me mga life-changing na pinagdaanan. andaming blog posts ng mga favorite bloggers ko ang di ko nabasa. para bang tumigil ang buhay ko ng limang linggong naghibernate ako.

pero ganun yata talaga yun. there are things that needs getting used to. right now, i am starting to get my groove back sa mundo. hopefully, mabilis na akong makabalik sa buhay na iniwan ko.


last week, dumating din ang resulta ng isang pang bagay na hinihintay ko. opo, ako po yung pang-# 9.

alam ko na parating na yung resulta. dapat matagal na yun, pero mukhang busy yung mga dapat maglabas ng resulta kaya last week lang nila nilabas.

nagulat na lang ako sa text ng isang unknown number: "johann, congrats! i'm so happy for you. galingan mo sa orals ah."

syempre, me idea na ako kung ano yun. pero dahil mej skeptical ako, nagtanong ako kung sino sya. dahil antagal nyang magreply, tinawagan ko na. si jed pala yun, gradschool classmate ko na taga-loob ng ahensyang iyon.

totoo nga ang balita!

at ayun, meron pa akong gagawin ulit at pagdadasal na sana matupad sya.

ayush ang buhay ko ngayon, nasa waiting status.

Wednesday, July 9, 2008

turning 27

last thursday, i turned 27. opo, mga kaibigan, me birthday din ako.

thanks to everyone who sent their greetings. sa mga nagtext, nag-IM, tumawag, at bumati sa akin ng personal, thanks for making that day special.

sa pamilya ko, salamat sa paghahanda that day. special shout-out sa kapatid kong si ericka, dahil katas ng unang suweldo nya bilang pre-school teacher ang pinang-handa. grabe, super natouch ako, kasi sabi nya sa nanay ko, ipaghanda daw ako kahit konti. as in naiyak ako nung sinabi sa kin ng nanay ko...

hiling ko lang sa inyong lahat, ipagdasal nyo ko. as in. kung bakit, meron akong isang bagay na haharapin which will decide if i will get something i want to get.


wala naman kasi talaga akong plano magcelebrate ng birthday ko. marami akong dapat bayaran (in short, wala akong pera). marami akong iniisip (kasama na dun yung rason kung bakit ako nanghihingi ng dasal) at ginagawa, kaya wala akong oras para magplano.

i want to celebrate my birthday in peace. wait, mali yun. lemme rephrase that. gusto ko kasi ng isang birthday na wala akong iisipin kung ano ang dapat ihanda, o kaya umasa na me ispesyal na mangyayari. yun bang gusto kong maranasan na ang birthday ko, isang simpleng araw lang sa buhay ko.


as it turns out, sobrang naging busy ang araw kong iyon. marami akong inayos. mga trabahong ginawa. mga taong kinausap. sabi ko nga kay mae, that was a tiring birthday.

pero keri lang. nagpapasalamat lang ako na umabot ako sa edad na ito. na keri naman ang takbo ng buhay ko, kahit me problema din minsan. nagagawa ko ang mga ginagawa ko. merong mga taong nagmamahal sa akin. may mga bagay na nagpapasaya sa akin.

at importante, meron akong mga taong napapasaya. merong mga taong sinasabing importante ako sa buhay nila. na may sense din pala ako sa mundong ito.

happy birthday to me.

Wednesday, June 18, 2008

paano mag-suot ng stilettos

a confession: much as i love shoes, di ko kayang mag-suot ng high-heeled shoes na sobrang taas (max height for me is two inches, and chunky ones). lalo na ng mga stilettos. which is really bad, dahil marami sa magagandang sapatos ngayon, ganung style. siguro sabi ng Diyos, maging satisfied na ko sa height ko.

mahina ang sense of balance ko, which is coupled with fear of heights (kahit na matangkad ako). kaya nga kapag me mga hiking sa office teambuilding, lagi akong me buddy na pwede kong hawakan habang pababa o paakyat ng mga bundok. mabagal din akong bumaba sa hagdanan kasi nga takot akong mahulog.

kaya interested ako how people can manage to walk around in really high heels. yung isang friend ko sa graduate school, kaya nyang mag-drive, magshopping at magcover ng rally sa EDSA (journalist kasi sya) ng naka-stilettos. nabasa ko din na merong socialite who shops in "four-inch Pradas". yung mga beauty queens, nakakarampa in those high shoes. bakit ako, hindi?


isang gabi, me nakasabay ako na couple pauwi.

dahil alam kong sarado na yung bridgeway sa MRT, nag-bus na lang ako pauwi, tapos tatawid na lang ako sa overpass sa guadalupe. sa harapan ko, merong isang couple. yung babae, nakastilettos na sobrang taas, tapos kasama nya yung boyfriend/asawa nya. dahil umiral ang pagiging uzi (usisera) ko, chaka naaliw ako dun sa sapatos nya, pinagmamasdan ko how she walks around in those heels.

nung paakyat sya ng hagdan, di nya sinasayad yung mataas na takong nya dun sa steps. para bang naka-tingkayad sya. so, ganun pala umakyat ng hagdan kapag naka-stilettos, sabi ko sa sarili ko.

nung pababa sya ng hagdanan, napansin ko na nakakapit sya sa boyfriend/asawa nya. ah, so kailangan mo pala ng kakapitan kapag bababa ka ng hagdan at naka-stilettos...

so kapag nag-stilettos ako, kailangang puro paakyat lang ang lakad ko. kasi, wala akong kakapitan kapag pababa na...

Friday, June 13, 2008

habang nagpapalaminate sa national bookstore...

kasama sa mga gawain ko sa opisina ang gumawa ng ID para sa mga reporters namin. that includes scanning the pictures, lay out sa aming press ID form, printing it out at ipalaminate yun.

medyo matagal na yung utang kong ID dun sa bago naming reporter, kaya talagang minadali ko na yung paggawa ng ID nya. kagabi, pinalaminate ko na.

sa national bookstore na matatagpuan sa daan ko pauwi (di ko sasabihin yung branch, kayo na bahalang mag-isip kung san yun...), dun ako usually nagpapalaminate. mukhang napansin na nung taong nagma-man ng laminating station dun ang paglaminate nya ng press ID ng opisina namin, kaya nagtanong sya kung ano ang ginagawa ng opisina namin, with matching kamusta pa kung sino na ang bossing namin (syempre, naging sikat ang ahensyang pinaglilingkuran ko dahil sa NBN na yan). aba, mantakin mo nga naman, intersado pala sya!

dahil nandun na rin ako, naisip ko na iparelaminate yung office ID ko kasi medyo di na maganda yung itsura. kaya tinanong ko sa kanya kung ginagawa din nila yung pagrerelaminate. pinakita ko na din yung ID ko. eto yung conversation namin.

ako: pwede pa bang iparelaminate 'to? (sabay pakita nung ID ko)
mama: pwede pa mam...
ako: sige, next time na lang

mama: ngayon na mam. nandito na kayo e.

(after thinking for awhile, pumayag na ko. habang pineprepare nya yung ID ko...)

mama: mam, kayo ba 'to?
ako: oo

mama (after tumingin sa ID at sa akin): bakit ang tanda nyo dito?

ako (disoriented): kasi matagal na yan
mama (tingin sa kasama nya): okay to a, mas matanda si mam sa picture nya

di ko alam kung gusto nya kong dapat akong maflatter o nagbibiro sya. anyway, after nya ilaminate yung press ID at irelaminate yung ID ko

ako: manong, magkano po lahat?
mama (nagsusulat dun sa form): 12 (yung ID ko) plus 15 (yung press ID). dapat 20 yung 15, pero dahil nagkuwentuhan naman tayo, gagawin ko na lang na 15.

ako: ah okay. thank you po.

mama: welcome. (tapos inentertain na nya yung kasunod ko)

habang nagbabayad ako nung mga pinarelaminate ko, medyo disoriented pa rin ako, dahil siguro di ko ineexpect na makatipid ako o dahil me nagtanong sa akin tungkol sa trabaho ko na isang total stranger (at may alam na sila tungkol sa ahensya namin) o dahil me nangflatter sa akin.

mantakin mo nga naman, nakatipid ako sa pagpapalaminate dahil lang nakapagkuwentuhan ako!

pahabol: skl, me similarity yung mukha nung mama sa lamination station kay andrew wolfe.